Sa isang malayong lugar, may mag-asawang matagal nang hindi magkaanak sa kabila ng kasaganaan nila sa buhay.
Abot ang dasal nila kay Bathala na sana’y pagkalooban nga sila ng anak.
Isang gabi, habang nananalangin ang babae, nagpakita ang isang anghel sa kanya at nagwika, "Huwag kang matakot. Isinugo ako ni Bathala upang maghatid ng magandang balita. Kayo ay bibigyan na ng anak na babae na napakaganda. Tawagin ninyo siyang Ilang, subalit iwasan ninyo na mahawakan siya ng lalaki. Kapag nangyari iyon, mawawala sa inyo ang inyong anak," pahabol ng anghel.
Nang nadalaga na si Ilang, maraming lalaki ang naakit sa kaniya.
Labis na nangamba ang mga magulang niya na baka mahawakn ng mga lalaki kaya’t kinulong nila sa isang silid ang anak.
Matinding kalungkutan ang nadama ni Ilang. Lagi siyang umiiyak araw at gabi. Gabi-gabi ay nananalangin siya.
Dininig ni Bathala ang panalangin ni Ilang. Isang araw, biglang nabuksan ang bintana sa silid ni Ilang at siya’y tuwang-tuwang nakalabas. Nagmasid sa magandang hardin at lumanghap ng sariwang hangin. Walang anu-ano’y, biglang may nakakita sa kaniya. Tinawag siya ng isang lalake at hinawakan ang kaniyang palad.
Huli na nang dumating ang kanyang ina. Si Ilang ay unti-unting naglaho. Walang nagawa ang ina kundi umiyak na lang at sinabing, "Ilang… Ilang… nasaan ka na anak?" Isang napakabangong halimuyak ng isang bulaklak ang naamoy ng ina. Nanggaling ito sa lugar ng kinalubugan ni Ilang. May isang halamang unti-unting umusbong sa lupa. Ang halamang ito ay pinangalanang Ilang, bilang pag-alaala sa kanilang anak na si Ilang.
Sa paglipas ng panahon, ang Ilang ay naging Ilang-Ilang.
Showing posts with label Alamat ng mga Bulaklak at Halaman. Show all posts
Showing posts with label Alamat ng mga Bulaklak at Halaman. Show all posts
Alamat ng Makahiya
Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska. Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria. Mahal na mahal nila ang kanilang anak.
Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat.
Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.
Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.
Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente.
Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang mga bandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.
Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan. Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.
“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska. “Iligtas nyo po ang aking anak.”
Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.
Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan.
Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido. Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria. Pero wala doon si Maria. Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria.
“Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska
Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa. Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito. Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman. Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska. Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.
Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.
Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din. Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.
Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat.
Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid.
Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan.
Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente.
Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninirahan si Mang Dondong at Aling Iska at ang anak na si Maria. Nakita ni Mang Dondong na parating ang mga bandido, nagdesisyon siya na itago si Maria sa hardin para sa kaliktasan nito.
Nagtago si Aling Iska sa kanilang bahay, nanginginig sa takot habang naririnig niyang pilit binubuksan ng mga bandido ang kanilang tarangkahan. Siya ay nagsambit ng panalangin para sa paghahanda kung ano man ang maaaring mangyari.
“Aking Panginoon!” panalangin ni Aling Iska. “Iligtas nyo po ang aking anak.”
Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa ulo.
Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido para nakawan ang ibang pang bayan.
Nang matauhan na ang mag-asawa ay nakaalis na ang mga bandido. Nagmadali silang pumunta sa hardin para hanapin si Maria. Pero wala doon si Maria. Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin pero wala doon ang kawawang si Maria.
“Ang anak ko! Tinangay nila ang anak ko!” iyak ni Aling Iska
Biglang-bigla ay naramdaman ni Mang Dondong na may tumusok sa kanyang mga paa. Nagulat siya dahil may nakita siyang isang maliit na halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito. Ito ang unang beses na makakita ng ganitong uri ng halaman. Siya ay lumuhod at tinitigang mabuti ang halaman, ganon din ang ginawa ni Aling Iska. Pagkatapos ng matagal na panahon na tinitigan ang halaman, ang mag-asawa ay naniwalang ang halaman iyong ay si Maria. Ginawang halaman ng Panginoon si Maria para mailigtas sa mga bandido.
Hindi mapigilan di mapaiyak si Aling Iska at Mang Dondong, ang bawat luha na pumapatak sa halaman ay nagiging isang maliit, bilog na kulay rosas na bulaklak.
Magmula noon ay inalagaan nila ng mabuti ang halaman. Naniniwala sila at alam nila na ang halaman ay ang anak nilang si Maria. Katulad ng kanilang anak, ang halaman ay mahiyain din. Dahil dito ay tinawag nila itong “makahiya”, dahil nagtataglay ito ng katangian ni Maria – pagkamahiyain – at tinawag na nga itong “makahiya”.
Alamat ng Sampaguita

Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno.
Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin.
Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pag-ibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.
Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbali, tumanggap siya ng blita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak.
"Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw."
Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno."
Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan.
Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin.
Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo.
Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan.
Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Unti-unti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak.
Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon.
Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita. Samantala....
Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-irog.
Alamat ng Rosas

Dahil ang gusto ni Rosa ay ang maglingkod sa Panginoon at sa pagtulong sa mga nangangailangan ng kanyang tulong. Ngunit si Cristobal, isang mahigpit niyang mangingibig, ay di makapapayag na di mapasakanya ang dalaga, at ito'y nagtangkang agawin si Rosa at dinala ito sa hardin.
Ngunit nananalangin si Rosa sa Panginoon at noon di'y siya'y naging bangkay. Sa takot ni Cristobal ay ibinaon niya ang dalaga sa bakuran nito at saka siya lumayo sa pook na iyon upang di na magbalik kailanman.
Mula noon ay hindi na nakita ng mga taga roon si Rosa. Sa halip, sa bakuran nito ay may isang halamang tumubo na may bulaklak ngunit paghawak sa tangkay nito ay mapapasigaw ka dahil sa talas ng tinik ng halamang hinahawakan. Dahil niloob ito ng Panginoon na gawing bulaklak si Rosa na ang tangkay ay may mga tinik na tagapangalaga rito upang di-pagnasaang pupulin lamang ng sinuman.
Alamat ng Pipino

Isang araw, si Paula ay nagluto ng pananghalian. Si Rupino ay pinakiusapan ni Paula na magsibak ng kahoy upang may maigatong sa niluluto. Si Paula ay matagal ding nakiusap bago napasunod si Rupino. Datapwa't hindi pa halos nangangalahati ng pagsibak si Rupino ay huminto ito.
"Paula, Paula, " ang sigaw ni Rupino buhat sa ibaba, "Napakasakit ng ulo ko. Para bang mabibiyak. Bigyan mo nga ako ng piso at bibili ako ng gamot."
Nalalaman ni Paula na si Rupino at nagdadahilan lamang sapagka't marahil ay tinatamad at sinusumpong ng pagsususgal.
"Saan ba ako kukuha ng oiso?" ang sagot ni Paula. "At saka anong sakit ng ulo ang sinasabi mo? Ang totoo'y ibig mo lang magsugal. Sulong! Kung ayaw mong magsibak ngkahoy ay umalis ka at ako ang magsisibak."
Si Rupino ay umalis na ngingiti-ngiti pa. Hindi siya nagbalik kundi nang inaakala niyang luto na ang pagkain.
"Paula, maghain ka nga," ang utos niya sa asawa. "Nagugutom ako."
Si Paula naman na nakalimot na sa kanyang galit ay madaling sumunod.
"Tirhan mo ng kaunting kanin at kaunting ulam si Tirso," ani Paula. "Siya'y hindi pa kumakain sapagka't inutusan ko."
Ngunit nasarapan si Rupino sa pagkain. Nang maalala niya ang pagtitira sa kaunting kanin at ulam kay Tirso ay naubos na niyang lahat ang kanin at ulam.
Nang dumating si Tirso at maghalungkat sa paminggahan ay nakita niyang ubos na ang lahat ng ulam at kanin.
"Inay, wala na pong ulam at kanin a," ang maiyak-iyak na sumbong ni Tirso. "Simot na simot po ang mga palayok."
"Rupino hindi mo ba tinirhan ng pagkain ang anak mo?" ang usisa naman ni Paula.
"Aba tinirhan ko," ang pagsisisnungaling ni Rupino. "Baka kinain ng hayop." At si Rupino ay lumabas at hinanap angpusa at aso. Ang hayop ay pinagpapalo ni Rupino hanggang ang puno at aso ay magtalunan sa batalan.
Lumipas ang mga araw. Noon ay tag-ani ng palay. Upang mayroon silang makain ang mag-inang Paula at Tirso ay tumutulong sa pag-aani ng palay sa kanilang mga kapit-bahay na may palayan. Ang mga palay na inuupa sa kanila ng kanilang mga tinutulungan ay itinatago nila sa kanilang bangang malaki sa kanilang silid.
Isang araw, sa paghahalungkat ni Rupino sa loob ng silid ay natagpuan niya ang banga ng palay. Nang Makita niya na mapupuno na halos ang banga ay napangiti ng lihim. Alam na niya ang kanyang gagawin. Mapaglalangan na naman niya si Paula.
Nang dumating ang mag-ina buhat sa bukid ay dinatnan nila si Rupino na naghihimas ng manok. Si Rupino ay mukhang malungkot na malungkot.
"Aba, ano ang nangyari sa iyo?" ang usisa ni Paula. "Baki parang Biyernes Santo ang mukha mo?"
"Masama ang nagyari, e, ang simulan ni Rupino. "Natalo ako sa tupada."
"Oo, e ikaw ba naman ay nanalo na?" ang ika ni Paula. "Ang pinagtataka ko saiyo ay kung saan ka kumukuha ng ipinatatalo."
"Iyon nga ang sasabihin ko sa iyo, e. Nakita ang palay na tinitipon ninyo sa banga at ipinagbili ko.
"Ang iniisip ko ay kung yung pinagbilan ay maparami ko ay gugulatin kita. Nguni't talaga yatang minamalas ako lahat ng pinagbilan ko ay natalo."
Si Paula at Tirso ay hindi nakakibo. Si Paula ay nanlambot na lamang at nangilid na ang luha. Pumanhik sila ng bhay na malatang- malata ang katawan.
Si Rupino ay maliksing tumayo ng si Paula at Tirso ay pumanhik na sa itaas. Tuwang-tuwa siya samantalang siya ay nagbibihis. Ang totoo'y hindi pa natatalo ang sampungpisong pinagbilan niya ng palay. Ang limang piso ay nasa bulsa niyaat ang lima pa ay nasa lambat na nakasuksok sa kanilang silong. Ang limang pisong nasa bulsa niya ay dadalhin niya sa sugalan. Kung sakaling matalo ay maaari pa siyang umuwi at kumuha ng puhunan.
"Inay, paano ang gagawin natin ngayon?" ang tanong ni Tirso ng nakaalis na si Rupino. "Nasayang lamang ang pagod natin."
"Bayaan mo na anak, at ako'y maghahanap ng maipagbibili," ang wika ni Paula. "Makakaraos din tayo sa awa ng Dios."
Si Paula ay naghalungkat ng anumang maipagbibili sa loob ng bahay ngunit wala siyang makita. Nanaog siya at baka sakali sa silong aymay Makita siya.. At hindi nga siya nagkamali sapagka't at namataan niya ang lambat na nakasabit sa isang haligi.Ang lambat ay kinuha ni Paula at madaling ipinagbili sa Intsik. Ang pinagbilan ay madaling binili ni Paula ng kalahating kabang bigas at ng maiulam na nila ng marami-raming araw.
Si Paula ay kasalukuyang naluluto ng si Rupino ay dumating na humahangos.
"Kakain ka na ba?" ang tanong ni Paula. "malapit ng maluto ang ulam."
"Huwag mo akong abalahin," ang payamot na sigaw ni Rupino at nanaog uli. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa silong.
Walang anu-ano ay mabilis na umakyat sa hagdan si Rupino.
br>
"Ang lambat?" Nasaan ang lambat?" ang humahangos niyang usisa. "Ano ang ginawa mo sa lambat?"
"Ha? Lambat?" ang walang tutong sagot ni Paula. "A, ang lambat. Ipinagbili ko at ang pinagbilan ay binili ko ng kalahating kabang bigasat ng maraming ulam."
"Ipinagbili mo! Ipinagbili mo ay may lamang limang piso iyon!" Si Rupino ay nanginginig na lumpit sa asawa. Sinampal niya ito ng ubod-lakas, sinuntok at sinipa. Hindi pa yata nakasiya roon ay hinawakan niya sa ulo si Paula at ipinukpok ng ipinukpok ang ulo nito sa dinding ng bahay. "Hindi mo nalamang itinago ko sa lambat ang kalahati ng pinagbilan ko sa palay?"
"Diyos ko!" ang panangis ni Paula ng lubayan na siya ng kagulgulpi ni Rupino. "Labis labis na po ang mga pagtitiis naming ng anak ko sa taong ito. Diyos ko, kaawaan mo po kami! Maano pong Mo na ang taong ito at ng kami ng anak mo ko ay makatikim na ginhawa!"
At anong laking himala angnangyari. Isang napakatalim na kidlat ang biglanggumuhit, kidlat na sinundan ng kulog na nakatutulig. Si Paula at Rupino ay nawalan ng malay-tao.
Nang si Paula ay pagsaulan ng hininga ay nakita niyng si Rupino ay maitim na maitim at patay na. Si Rupino pala ay tinamaan ng kidlat. Samantalang pinagmasdan niya ang mukha ni Rupino ay may narinig siyang isang tinig na nagsasabi ng ganito: "Ibaon mo sa inyong halmanan ang bangkay ng iyong asawa. Sa puntod ng kanyang libingan ay may sisiot ng isang halaman. Alagaan mong mabuti ang halamanang iyansapagka'y iyay pakikinabangan ninyo. Si Rupino ay di nakatulong sa inyo noong siya y nabubuhay. Ngayong siya'y patay na ay makatulong sana siya sa inyo"
Hindi naman naglaon at isang baging na maganda at malusog ang sumulpot sa puntod ng libingan ni Rupino Ang baging madaling lumaki at namunga, at nang anihin ni Paula ang bunga ng baging at kanilang kainin ay anong sarap ang mga bungang iyon sa panlasa. Ang baging na iyon ay ang unang pipino sa daigdig. At sapagka't ang baging ay sumipot sa puntod ni Rupino, tinawag itong pipino.
Alamat ng Palay

Nawala na ang mga hayop sa gubat at iilan na lamang ang mga bungang-kahoy. Ang mga tao ay nalungkot.
Ang mga lalaki ay nangaso sa bundok. Sila'y pagod na pagod at gutom na gutom. Sila'y nagpapahinga ng dumating ang magagandang dalaga. Ang mga ito ay engkantada pala. Sila ay makapangyarihan subalit magagalang.
Ang mga mngangaso ay kinumbida ng mga engkantada. Sila'y nagpunta sa yungib. Dito ay napakarami pala ang engkantada. Sila'y may reyna. Sila'y nagsaya noon, nag-awitan, at nagsayaw.
Nagkaroon ng kainan. Nakita ng mga mangangaso ang malalaking tagayan. Ang mga ito ay punong-puno ng pagkain na puting-puti. Noon lamang sila nakakita ng putting pagkain.
Matapos ang kainan at ang mga lalaki ay nagging bata. Sila ay kumakas. Sila'y pinainom ng puting alak at sila'y at nagging matalino.
Gusto ng umuwi ng mangangaso. Ang reyna ay nagsalita, " Kayo'y bibigyan ko ng butyl. Ito'y itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo aymabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Aanihin ninyo ang bunga."
"Ang mga butil na inani ay bayuhin at linisin. Ang butyl ay magiging bigas. Ito ay lutuin. Iyan ang inyong pagkain. Iyan ang kaloob ko sa mga tao. Hala, umuwi na kayo."
Sumunod sa bilin ang mga tao. Ang bigas na niluto ang kauna-unahang kanin sa daigdig.
Alamat ng Kawayan

Berdeng-berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw.
Pero mainggitin ang Kawayan. Lagi at lagging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalallulan siya ng ibang puno at halaman ay nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya pagka't tumatawag siya ng kaibigang handing maghiganti upang maiangat lang ang narumihan niyang pangalan. May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpalinga-linga sila. Nang makitang wala man lang bunga ang kawayan, nilayuan nila ito.
Nilapitan nila ang puno ng Bayabas, at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga. Inilpag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na bunga ng Santol t berdeng berdeng Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa at Caimito. Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang Makopa. Hinog na hinog rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala kasi siyang bunga na ipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan.
Sa galit ng Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin. Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Santol, Bayabas. Caimito, at Makopa. Tuwang-tuwa si Kawayan.
Minsan may nagawiang magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na mapupurol sa puno ng Kawayanay nilayuan nila ito. Natuwa sila ng maulinigan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-dalingnamupol ng bulaklak ang binata.Ang halimuyak ng Rosal at Sampaguita ay handog na napakaligaya sa dalaga. Dahilan sa mga bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan.
Inis na inis naman si Kawayan. Wala siya kahit isaman na bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili tinawag niya ang kaibigang si Ulan.
Sunud-sunuran si Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak. Nasira ang mga magagandang tangkay nila Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka't makikitid ang mga dahon nito. Natuwa sila ng namataan ang puno ng Banaba. Talagang mapapalad ang mga dahon nito na masisilungan kung ikaw ay maiinitin ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan. Nang makaalis na si Lolo Guillermo at Lola Jovita ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno ng lubhang ikinagalak ni Kawayan.
Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin ni at mapagmataas nito.Bilang parusa, ang lagging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin.Ang pagyuko ni Bathala ay pagbibigay halaga sa anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di dapat mamugad sa puso nino man.
Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.
Alamat ng Alagaw

Minsan, si Raha Matapang, bantog na mandaragat ay nagpadala ng mga kawal upang sagupain ang mga Moro sa larangan ng digma sa baybayin ng Mindoro. Ito'y kanyang isinagawa upang ang kanyang kaharian ay malayo sa anumang kapinsalaan ng digma. Napabilang sa mga kawal ang binatang si Marahas na uliran sa bait at sigla. Bago lisanin ni Marahas ang kasintahang si Mutyang Marikit ay nagbilin ng ganito,: "Minamahal kong Marikit sa pag-alis ko ay dala ko ang kabuhayan at kamatayan. Ang utos ng ating Matanda aydi maaaring suwayin. Ikaw ang unang-unang pupula sa akin kung tatalikdan ko ang tungkuling inatas ating balangay."
"Oo, lilisan kang baon ang aking pagmamahal."
Si Marahas nagpatuloy: "Iiwan ko sa iyong kandili at pag-aruga ang isang halamang ituring mo na ring ako- ang aking sarili. Kung ako'y masawi ito'y malalanta. Kaya siya'y diligan mo at paka-ingatan. Ang luha mo lamang ang tanging lunas."
Naghiwalay sila.
Nalagas ang mga araw sa tangkay ng panahon. Walang balitang galling kay marahas. Patuloy rin ang pagmamalasakit ni Marikit sa halamanginiwan sa kanya ng kanyang giliw. Pinagyaman niya ang nasabing halaman sapagka't ito lamang ang naiwang tanging sanla ng irog at taga-pagpaalala ng kanyang katapatan.
Isang araw ,ang halaman ay nalanta. Nagsadya siya sa palasyo ni Raha Matapang upang makibalita tungkol kay Marahas. Ang mga kawal na nagbalik mula sa digmaaan ay nagpatunay na si Marahas ay nasawi, nguni't nagsawing taglay ang karangalan pagka't sila'y nagtagumpay naman.
Umuwi si Marikit na ang puso ay halos mawalat sa kapighatian. Ang tanging aliw lamang sa kanyang sarili ay ang pangyayaring ang kanyang mahal ay namatay sa ngalan ng kabayanihan.
Gabi't araw ay dinidilig niya ang mga halaman ng patak ng luha. Sa kanyang matamang pag-aalaga ay muling umusbong, lumago ang mga dahong masisinsin, at namumulaklak.
Si Marikit ay naging masasakitin. Subali't ang bawat karamdama'y may lunas. Kung siya'y dadalawin ng sakit ng ulo, nglagnat, may sipon at nag-uubo ang mga dahon g halaman at ng mga bulaklak nito ay kanyang inilalaga. Matapos magpunas sa pinakulong tubig siya'y gagaling agad. Kung sumasakit ang kanyang tiyan,iinom ng tubig na pinangalagaan ng halaman. Natambad sa ka alaman ng madla ang idinudulot nito. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Marikit hangga't ang buong balangay, di lamang ang buong Batangan kundi ang Katagalugan ay natutong uminom ng alagaw.
Subali't bakit tinawag na alagaw ang halaman? Si Marikit ang nagbigay ng ngalan...
Alamat ng Ilang Ilang

Ang ilog ay homuhoho sa Look ng Balayan. Ang tubig ay galling sa Lawa ng Taal.
Balita ang Ilog Pancipit sa mga isdang-tabang na nahuhuli rito tulad ng maliputo, lumulukso, at tawilis na di nakikita sa alinmang dagat ng Pilipinas. Makasaysayan ang ilog sapagkat si Salcedo na apo ni Legaspi ay diti nasugatan sa pakikipaglaban sa mga negritong pawing nasasandatahan ng makamandag ng palaso.
Ang dalampasigan ng Balayan Bay ay makasaysayan din sapagkat ditto nagtayo ng bayan-bayanan sina Datu Dumangsil at Datu Balensuela. Magugunita na ang dalawang datung ito ay tumakas galling Borneo upang makaiwas sa kalupitan ng kanilang hari.
Mula sa bunganga ng Bay paitaas sa ilog ay dalawang oras lamang ang tagal sa pamamangka papuntang Lawa ng Taal.
Sa gitna ng lawa nakatayo ang Bulkan ng Taal. Sa lahat ng bulkan sa buong daigdig ito ang may pinakmalaking bibig(crater).
May mga nayon sa dalampasigan ng bulkan. Sa isa sa mga nayon ay may naninirahang magandang dalada na ang pangalan ay Cirila Mabanlo. Ang palayaw sa kanya ng mga tao sa nayon ay Ilang.
Mahal si Ilang ng mga tag nayon.. Siya'y maganda, mabait, at matulungin sa kapwa. Balita ang kanyang kagandahan sa lahat ng sulok ng magkakaanib o kaaway na balangay.
Maraming tagahanga si Ilang, mga binatang manliligaw at tagasuyo. Isa n rito si Lanubo. Siya'y karibal ni Baknotan sa pangingubig.
Kung si Ilang balita sa kanyang kagandahan, si Lanubo nama'y sa kanyang lakas, pagkamaginoo, katapatan, at katapangan. Subok siya sa arnis at buno at dalubhasa sa pangangaso sa gubat.
Sina Ilang at Lanubo ay uliran sa pagmamahal. Sila'y dalawang pusong pinagtambal ng tumutungga sa saro ng ligaya.
Ang ina ng dalaga ay balo. Siya'y sang-ayon sa pag-iibigan ng dalawa. Ano pa ang hahanapin sa isang magiging manugang na lalaking paborito ng nayon?
Makalipas ang sambuwan, hiningi ni Lanubo sa ina ang kamay ni Ilang. Si Lanubo ay tuwan tuwa at nagsimula na ng paghahanda sa darating n gasal.
Binibilang na ang mga araw at ang binata't dalaga ay haharap na sa dambana. Hinihintay na lamang ang nalalapit na anihan.
Isang araw siya'y lumabas sa kagubatan upang mangaso, kasama ang kanyang mga kaibigan. Sila'y manghuhuli ng usa at baboy-ramo na lilitssnin sa kasalan.
Nagpaalaalp si Ilang kay Lanubo, "Mabuti yata't maiwan ka rito. Huwag sumama sa kanila. Ang katiwala mo ang siyang kausapin mong mangulo sa pangangaso. Mayroon tayong pamahiin na ang nobyo raw ay huwag aaalis ng tahanan pag malapit nang ikasal pagka't baka may mangyaring kapahamakan!"
"Iya'y isa lamang pamahiin. Ako'y sasama sa kanila.Sa ikatlong araw babalik kami agad!"
Nabatid ni Baknotan na wala si Lanubo. Siya'y nagpunta sa bahay ni Ilang ng sumunod na gabi.
"Ako'y nagmula sa malayo upang ungkatin muli ang pag-ibig na hanggang ngayo'y sariwa. Minan pang gusto kong patotohanan ang aking pagmamahal!"
"Hindi ka sana naparito sad is oras ng gabi! Noong huli mong bisita ay sinabi ko sa iyo na hindi kta iniibig. Ang puso ko ay naisanla ko na kay Lanubo! Ako'y nalulungkot! Hindi ako maaaring magmahal sa dalawa! Iisa ang aking puso! Ipagpatawad mo. Ipinagtatapat ko sa iyong kami'y ikakasal na sa darating na lingo!"
"Ano mayroon so Lanubo na wala ako? Bakit k a natataranta sa kanya?"
"Siya'y lalaking marangal!"
"Lalo akong marangal! Mayaman pa!"ang sagot na nagyayabang ngunit ang totoo'y siya'y kalog at panot pa!
"Maaari ba? Umalis ka na! Ako'y nag-iisa! Igalang mo ang aking katahimikan!"
"Oo, aalis ako, ngunit sa aking pag-alis kita'y isasama. Sasama ka upang mamuhay o manatili ka ngunit aisa ng bangkay! Alin ang iyong pipilii?"
"Ako'y mananatili saanman naroon si Lanubo!"
"Si Lanubo ay aking papatayin!"
"Permiso, sandali. Ikukuha kita ng maiinom. Palamig!"
"Gusto mong tumakas? Ang bahay mo ay nasasakupan ng aking kawal!Sa gusto mo sa hindi, sasama ka sa akin!" tuloy yapos.
Si Ilang ay nanglaban kinagat niya ang ilong at tenga ng kalog!
Nasaktan ang balatkayo. Nagalit at tinampal ang dalaga. Hindi nagkasya sa tampal at sinuntok pa ito sa panga. Kinuha sa lukbutan ang kris at sinaksak. Ang tampalasang lalaki ay tumakas.
Kinaumagahan, si Lanubo at ang mga kasama ay dumating galling sa pangangaso. Nabatid nila ang sakunang nangyari kay Ilang.
Ang unang pumasok sa isip ni Lanubo ay hanapin si Baknotan at maghiganti!
Pinapayuhan siya nang mga kaibigan na ang unahin ay ang paglilibing kay Ilang. Pihong nagtatago na raw si Baknotan. "Hintayin natin ang magandand pagkakataon! Ang katarunagan ay marunong maghintay!"
Si Lanubo ay larawan ng hinagpis! Siya'y nanangis, "Ilang ,Ilang, patawarin mo ako. Kung ako'y nakinig sa iyo na huwag umalis, disi'y hindi nangyari ito!"
Si Ilang ay inilibing sa burol na malapit sa bisita ng nayon. Si Lanubo ay nagbantay araw at gabi. Siya'y nagtaka nang makitang araw araw ay maraming bulaklak na nangagkalat sa puntod. Ang mga bulaklak pala ay nanlalaglag buhat sa malaking punongkahoy na nakayungyong sa puntod.
Noong mga unang araw ang punong ito ay walang bulaklak ngunit malalago ang dahon. Ngayo,y nakapagtataka! Kakaunti ang mga dahon subalit hitik sa bulaklak! Ang bulaklak ay dilaw mahaba, at makitid ang mga talulot. Ito'y mahalimuyak!
Bilang tagapagpagunita kay Ilang tinawag na balangay ang puno ng halaman ng Ilang-ilang!
Maraming taon ang lumipas subalit nanatiling binata si Lanubo. Ayaw niyang mag-aswa.
Pinatawad niya si Baknotan at nilimot ang tangkang paghihiganti. Naganap ang katarungan ni Bathala pagka't ang lalaki ay nagkasakit ng ketong.
Nang maging gobernadorcillo si Lanubo Noble sa magkakaratig n balangay, kanyang iniutos sa mga mamamayan na magtanim ng Ilang-ilang sa lansangan, liwasan,aplaya at pampang ng ilog.
Mabango ang simoy ng amihan sa pampang sa ilog ng Pancipit dahil kay Cirila Mabanlo ang pangunahing tauhan ng alamat na ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)